Friday, May 11, 2007

10 Reasons Why We Should VOTE KABATAAN PARTYLIST






1. KABATAAN ito, kapatid!
Ang Kabataan Partylist ay natatanging partylist na itinatag, pinamumunuan, at itinataguyod ng mga kabataan para sa interes nating mga kabataan.

2. STRENGTH IN NUMBERS
May mga chapters ang Kabataan Partylist mula Luzon hanggang Mindanao. Ni-uunite nito ang mga kabataan ng sangkapuluan hindi lang sa kongreso kundi sating mga paaralan, komunidad at pagawaan. Kinikilala din nito ang lakas ng ating pinagsamang tinig at boses sa Mababang Kapulungan maging sa lansangan.

3. Because IT IS RIGHT!
Yes, Education is a Right! Iginigiit at itinataguyod ng Kabataan Partylist ang karapatan nating kabataan sa edukasyon sa pamamagitan ng dagdag na pondo sa edukasyon at kagyat na pagpapatigil ng tumitinding komersyalisasyon ng edukasyon.

4. PANG-KABUHAYAN Showcase!
Isinusulong din ng Kabataan Partylist ang pagkakaroon ng disenteng trabaho at kabuhayan hindi lamang para sa mga kabataan kundi para sa lahat ng mamamayang Pilipino.

5. STAR STUDDED ITO!
Who else kundi sina Papa Dennis Trillo at Ate Angel Locsin ang nag-eendose ng Kabataan Partylist sa kanilang video sa You Tube! Tulad nila ay sumusuporta din sa mga itinataguyod ng Kabataan Partylist sina Dino ng Brownman Revival, Datu's Tribe, Ciara Sotto, Marvin Agustin, Paolo Ballesteros, at our very own Atom Araullo!!! O diba, i-star i-studded! (para mapanood, pumunta lang sa www.kabataanparty. com)

6. TALENTADO TAYO!
Kinikilala ng Kabataan Partylist na mahalagang pagyamanin din ang sports, kultura, at sining para sa pagpapaunlad ng Kabataang Pilipino. Para naman hindi nasasayang ang ating mga angking kakayahan at talento, di ba?

7. PEACE, MAN!
Sinusuportahan ng Kabataan Partylist ang mga batayang karapatan ng bawat Pilipino na mamuhay sa isang lipunang mapayapa at malaya mula sa krimen, pagkalulong sa droga, giyera, militarisasyon, peligro sa kapaligiran, dekadenteng kultura, prostitusyon, kagutuman, at diskriminasyon sa kasarian, edad, kapansan, at relihiyon.

8. SERVE THE PEOPLE!
Kinikilala ng Kabataan Partylist ang papel nating mga kabataan sa pagbabago ng mundo. Isang pagbabagong higit na makabuluhan kung ating ilalaan sa paglingkod sa bayan at sa lahat ng sektor (manggagawa, magsasaka, maralitang tagalunsod, pambansang minorya, atbp) na matagal nang ipinagkakait ng isang maayos na pamumuhay. Kaya't hindi mawawala ang battlecry nitong Serve the People!

9. PAG-IBIG!
Ipinagtatanggol ng Kabataan Partylist ang PAG-IBIG! at debosyon sa Inang Bayan sa pamamagitan ng pagbabantay sa ating kalayaan at respeto sa pambansang patrimonya at soberanya.

10. TAYO ANG PAG-ASA NG BAYAN! Dapat may SAY na tayo!
Titiyakin natin na ang mga kabataan ay makikinabang at makakalahok sa lahat ng aspeto ng pamumuno ng gobyerno at pagdedesisyon ng mga kinatawan ng pamahalaan. Dahil tayo ang pag-asa ng bayan, sa ATIN ang KINABUKASAN, kaya nararapat lamang na may SAY tayo sa kung anong klaseng kinabukasan ang dapat na mapunta sa atin.

Kabataan, Mag-aral, Maglingkod, Makibaka!
Tayo ang Pag-asa! Tayo ang Kinabukasan!
IBOTO! KABATAAN PARTYLIST!

VOTE Kabataan Party!


Two Years

March 2010 Baang Coffee, Tomas Morato Two years ago, my goal was just to finish the selection process. I had no fantasy of bagging the posit...